25

By

Misis ni Nick Jonas inakusahang sulsol sa giyera

Binara si Priyanka Chopra ng paghikayat umano ng nuclear war dahil sa naging comment niya sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan.

Isang audience ang kumompronta sa Bollywood actress sa cosmetics event sa Los Angeles.

Sabi ni Ayesha Malik sa Q&A portion ng BeautyCon panel tampok si Chopra: “It was kind of hard hearing you talk about humanity, because as your neighbour, a Pakistani, I know you’re a bit of a hypocrite.”

Kaugnay ito ng tweet ni Chopra sa kanyang official account noong February 26 kung saan sinabi niyang “Jai Hind”, na ang ibig sabihin ay “victory to India”.

“You are a Unicef ambassador for peace and you’re encouraging nuclear war against Pakistan. There’s no winner in this. As a Pakistani, millions of people like me have supported you in your business of Bollywood,” dagdag pa ni Malik.

Naggigirian ang India at Pakistan dahil sa pinag-aagawang rehiyon na Kashmir.

“War is not something that I’m really fond of, but I am patriotic, but I think that all of us have a sort of middle ground that we all have to walk,” sagot naman ni Chopra, na kasal sa US pop star na si Nick Jonas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?