104
Misis nagnenok ng ‘kotse’ sa SM
By

Misis nagnenok ng ‘kotse’ sa SM

Nakursunadahan lang daw kaya kinuha ng isang 34-anyos na ginang ang tatlong Disney Cars sa loob ng department store ng SM, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakakulong na ang suspek na si Juliet Reyes y Natividad, 34-anyos, residente ng Marikina City at kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell sa kasong theft o shoplifting.

Naganap ang insidente bandang alas-3:05, Martes ng hapon sa 3rd floor ng department store na matatagpuan sa SM City Marikina, Barangay Calumpang nang sitahin ng security guard na si Gemar Comador y Medina ang dalang SM bag ng suspek.

Hinanapan niya ng resibo ang suspek sa dalang isang piraso ng Disney car – Jackson Storm, Disney car – Junior Moon at Disney car – Sterling na nagkakahalaga ng Php1,349.25 na nakasilid sa loob ng SM paper bag subalit walang maipakitang resibo ang suspek kaya agad na dinala sa admin office para magpaliwanag.

Ayon pa kay Comador, kahina-hinala ang kinikilos ng suspek kaya agad niya itong binantayan ng tingin hanggang sa nakita niyang papalabas na ng department store at doon na niya ito sinita.

Paliwanag naman ni Reyes na nagustuhan lang niya ang mga makukulay na Disney cars kaya naisipan na kunin ito dahil wala siyang pambayad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?