203

By

Mindanao martial law, hindi na ie-extend – Bong Go

Posibleng hindi na palawigin pa ang martial law sa Mindanao, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Sa ngayon, as a Senator, (tingin ko) hindi na po mae-extend ‘yung Martial Law. Sumulat naman po si National Defense Secretary Delfin Lorenzana (kay President Rodrigo Duterte). Hindi na po yata kailangan ng Martial Law,” pahayag ni Go sa panayam ng mga reporter sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Sabi ni Go, wala naman umanong ginawang pag-abuso ang militar sa Mindanao mula nang paiiralan ito sa Mindanao at kung irekomenda umano ng AFP na huwag nang palawigin, susuportahan niya ito.

“Wala naman pong abuses ang ating militar dito sa Mindanao. In fact, nakakatulong sila sa peace and order dito sa kalye. Suportado ko po ito. Kapag sinabi naman po ng militar na hindi na po kailangan ng Martial Law ay suportado ko po ito,” ani Go.

Nakatakdang magpaso ang martial law sa Disyembre 31, 2019, dalawang taon at pitong buwan matapos ideklara ito ni Pangulong Rodrigo kasunod ng pagsakop ng mga terorista sa Marawi. Dalawang beses na itong pinalawig.

Ayon kay Go, naniniwala hindi na rin ito kailangan lalo na kung maging batas na ang panukalang pag-amiyenda sa Human Security of 2007.

“Baka pumasa naman po ito sa Senado. I am a member of the Committee on National Defense. Pinag-uusapan namin ito,” sabi ng senador.

Naunan nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanyang irerekomenda kay Duterte na huwag nang palawigin pa ang martial law sa Mindanao kasunod nang ginawang pagsusuri ng military sa sitwasyon sa rehiyon.

Humina na umano ang lakas at kapabilidad ng teroristang grupong Maute at marami na ring armas ang isinuko sa pamahalaan.

Bukod diyan bumama na rin ang krimen sa isang istratehiyang lugar sa Mindanao bukod sa unti-unti nang natatalo ang tropa ng military ang mga Abu Sayaff sa Basilan at Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?