31

Jan 6, 2020 @ 16:02
By

Mindanao Grid kinaya ang lindol – NGCP

Normal pa ang kuryente sa Mindanao sa kabila ng 5.4-magnitude na lindol na tumama sa Governor Generoso, Davao Oriental nitong Lunes, Enero 6, 2020, sabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“The Mindanao Grid remains intact as there are no reports of power interruption and damaged transmission facilities in Davao Oriental and nearby areas where the earthquake was felt,” sabi ng NGCP.

Tinamaan ng malakas na lindol ang Mindanao nung Oktubre 31, 2019 na may lakas na 6.5-magnitude.

Dalawang malalakas pang lindol naman ang umuga sa isla nung Disyembre 2019 kung saan isang buong residential condominium ng mga Consunji ang bumagsak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?