41

By

Millie Bobby Brown may diskarte sa paglaban sa Filipino monsters

May paraan si Millie Bobby Brown kung paanong lalabanan ang Philippine mythical creatures gaya ng manananggal, tikbalang, dwende at ang trapik sa bansa.

Si Millie ay gumaganap na Demogrogon slayer na si Eleven sa “Stranger Things” series.

Sa video na nilabas ng Netflix Philippines, inisa-isa ni Millie kung paano niyang kakalabanin ang mga Filipino monster.

Ayon kay Millie, dadaanin niya sa therapy ang manananggal.

“Is this a joke? You know what, I wouldn’t even fight her. I would just put her in severe therapy. Have your own children and love children. Children are great,” sabi niya.

Napasama naman ang kilalang istriktong si Miss Minchin ng “Sarah… Ang Munting Prinsesa” sa listahan ng mga monster na binigay kay Millie.

Sabi ng Hollywood actress hindi niya gagamitan ng Eleven powers si Miss Minchin, sa halip idadaan din niya ito sa therapy.

“I would put her in therapy with the on who sucks babies out of their mom and then Miss Minchin, they’re going to have some serious life talks together and they’re going to figure out their mental health state,” nakakatawang banat ni Millie.

Napatawa naman si Millie sa huling monster sa Pilipinas, ang Manila traffic.

“I would beat this one by getting a helicopter and flying over all the traffic,” sagot ni Millie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?