71

By

Miley huling nakikipaghalikan sa babae matapos makipaghiwalay kay Liam

Isang eyewitness ang nagbunyag sa poolside make out ni Miley Cyrus kay Kaitlynn Carter habang nagbabakasyon ang dalawa sa Lake Como, Italy.

Sa Instagram post ni Kaitlynn matapos ang Miley-Liam Hemsworth drama, kita na walang pakialam ang dalawa sa pagpi-PDA habang nagsa-sunbathing at ang paghahalikan nila.

Inanunsiyo ni Miley noong Sabado ang pakikipaghiwalay sa kaniyang asawang si Liam.

Magugunitang naiulat noong July 2018 na naghiwalay din ang dalawa dahil umano sa argumento tungkol sa planong pagkakaroon ng anak.

Nabanggit din ni Miley na matindi pa rin ang atraksyon na nararamdaman niya sa kapwa niya babae.

“I’m in a hetero relationship, but I still am very sexually attracted to women… I definitely don’t fit into a stereotypical wife role. I don’t even like that word,” saad ni Miley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?