40

By

Miley Cyrus ka-live-in na si Kaitlynn Carter

Wala pang isang buwan matapos inanunsyo ang balitang diborsyo sa dating asawang si Liam Hemsworth, live-in na ang American singer Miley Cyrus at blogger Kaitlynn Carter.

“They live together and are very happy,” saad ng isang “Cyrus source” sa PEOPLE Magazine.

“Miley is doing great. She is moving on. She seems to have no regrets. She loves being with Kaitlynn,” dagdag nito.

2018 nagpakasal sina Cyrus at Hemsworth, maging si Carter at American TV icon Brody Jenner. Sabay ding nag-anunsiyo ang dalawang couple na hiwalay na sila noong nakaraang buwan, Agosto 2019.

Ilang araw matapos ang anunsyo nina Cyrus at Hemsworth, namataang naghahalikan sina Miley at Kaitlynn sa isang bakasyon sa Italya.

Sunud-sunod na rin ang mga event na magkasama sila sa Amerika, gaya ng MTV Video Music Awards at American Labor Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?