56
Midterm elections, generally peaceful – Albayalde
By

Midterm elections, generally peaceful – Albayalde

Sa kabila ng ilang kaguluhan at talamak na vote-buying ay “generally peaceful” ang naganap na midterm elections sa buong bansa matapos na walang malaking insidente na nakaapekto sa kabuuan ng botohan.

Ito ang sinabi ng Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa kanyang isinagawang press briefing.

“Except for isolated incidents that briefly interrupted voting in some voting centers in BARMM and a few causes of technical malfunctions of the vote counting machines, voting went ahead smoothly and orderly in 36,831 voting centers nationwide,” saad ni Abayalde.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang ginagawang seguridad ng mga miyembro ng Board Of Comelec personnel upang masiguro ang paglipat ng mga election paraphernalia, documents at mga equipment.

Sa naganap na 12 oras na botohan simula alas-sais ng umaga at natapos ng alas-sais ng gabi, sinabi ni Albayalde na aabot lamang sa 23 insidente katulad ng shooting, indiscriminate firing, illegal discharge of firearms, explosion, grave threats at harassment na ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya.

Mayroon ding kabuuang 332 insidente ng vote-buying kung saan aabot sa 297 katao ang naaresto.

Dahil sa matagumpay na security operations ngayong eleksyon ay binati din ni Albayalde ang lahat ng PNP personnel na nagtulong-tulong upang maging mapayapa at maayos ang naganap na eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?