2,824

By

Mico Palanca pumanaw sa edad na 41

Sumakabilang-buhay na ang 41-anyos na aktor na si Mico Palanca, kinumpirma ng kanyang kapatid na si Erika Hocson ngayong Martes ng umaga, Disyembre 10.

“We are extremely saddened and heartbroken by the sudden passing of our beloved brother, Mico Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today,” saad sa opisyal na pahayag ng pamilya, na makikita sa Instagram story ni Hocson at nilagdaan ng nanay ni Mico na si Pita Revilla, at mga kapatid na sina Lisa, Bernard, Erika, Martin, at Santi.

“As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support — thank you so much,” daing pa ng pamilya.

Hindi kinumpirma ang dahilan at petsa ng pagkamatay ng aktor at humingi ng privacy mula sa publiko.

Sa isa pang IG story, nagbigay ng mensahe si Erika: “I love you. Didn’t say it enough. But I did. I do. So much. I’m so glad I got to tell you how much I looked up to you growing up. Thank you Kuya.”

Hayag naman ni Martin, “Already missing you, Kuya. Wish you didn’t go so soon. Rest easy now. I love you.”

Nagsimulang makilala sa showbiz si Miko sa 1999 teen show ng ABS-CBN na “Tabing Ilog,” at bumida sa mga primetime drama na “It Might Be You” at “Ang Probinsyano.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?