30,874

By

Mico Palanca nakapag-post sa social media bago namatay

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng aktor na si Mico Palanca sa edad na 41.

Kumalat via social media ang pagsu-suicide ng nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca.

Tumalon diumano si Mico mula sa tuktok ng isang building sa Santolan Town in San Juan. Natagpuan na lang daw nila itong wala nang buhay.

Ilang araw na raw depressed ang aktor dahil sa kanyang love life.

Bago iyon ay nag-post pa raw ito sa kanyang social media account ng: “depression is not a joke.”

Ang Film Academy of the Philippines or FAP ang unang nag-post ng kanilang condolences sa family ni Mico via their Facebook page.

“The Film Academy of The Philippines extends our sincerest sympathies to the family of Mico Palanca for his untimely passing.”

Si Mico ay apo ng veteran actor na si Armando Goyena.

Year 2000 nang pasukin ni Mico ang showbiz bilang isa sa ABS-CBN Star Circle talent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?