230
Michelle Madrigal, fiancé ikinasal na
By

Michelle Madrigal, fiancé ikinasal na

Ikinasal na ang dating aktres na si Michelle Madrigal at ang kaniyang American fiancé na si Troy Woolfolk.

Naganap ang spring wedding ng matagal ng magkasintahan sa Austin, Texas nitong Sabado, April 13 (PH time).

Dinaluhan ng mga kamag-anak at mga kaibigan mula sa Pinas ang naturang kasalan.

Maid of honor ni Michelle ang kaniyang kapatid na aktres na si Ehra Madrigal.

Na-engaged sina Michelle at Troy noong July 2017 at ipinanganak ni Michelle ang kanilang panganay na si Anika Austin noong Oktubre ng parehong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?