61

By

Michelle Dee kinapos sa Miss World 2019

Hanggang Top 12 lang nakapasok ang pambato ng Pilipinas sa Miss World 2019 beauty pageant na si Michelle Dee.

Bigong masungkit ng 23-anyos na aktres ang ikalawang korona ng Pilipinas sa timpalak sa London nitong Sabado, Disyembre 14.

Gayunman, tuloy pa rin sa kanyang adbokasiya si Dee ngayong hinirang na siyang Goodwill Ambassador ng tinutulungan niyang NGO na Autism Society Philippines (ASP).

Si Miss Jamaica Toni-Ann Singh ang nagwaging Miss World 2019, na sinundan nina Ophely Mezino ng France at Suman Rao ng India.

Hindi pa rin nasusundan ang yapak ni Miss World 2013 Megan Young. Nitong 2018, bigo namang makapasok sa Top 30 si Miss Philippines Katarina Rodriguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?