518
Michael Yang hindi sangkot sa iligal na droga – Malacañang
By

Michael Yang hindi sangkot sa iligal na droga – Malacañang

Itinanggi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may kaugnayan sa iligal na droga ang economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos lumantad nitong Lunes ang nasibak na si PNP Drug Enforcement Group deputy director for administration Eduardo Acierto at inakusahan ang Pangulo at si dating PNP chief Ronald dela Rosa ng pag-isnab sa kanyang intelligence report tungkol sa pagkakaugnay ni Yang at ng isa pang Chinese na si Allan Lim sa illegal drug trade.

Sa pahayag ni Panelo, sinabi nitong matagal nang nilinis nina Pangulong Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua si Yang hinggil sa kalakaran ng droga.

“I don’t think Michael Yang was ever involved, otherwise he should be on the [drug] list or should be facing charges,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?