23

Jun 30, 2020 @ 19:38
By

Mga umuwing OFW, sinalubong ng daan-daang hygiene kit ng BDO

Nakatanggap ng mga hygiene kit bago umuwi sa kani-kanilang probinsya ang mga repatriated overseas Filipino sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa pakikipag-ugnayan sa BDO Foundation, itinurn-over ng BDO Remit ang daan-daang bag ng mga hygiene kit sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 at PITX.

Inihatid ng OWWA sa kani-kanilang home province ang mga overseas Filipino matapos nilang mag-negative sa reverse transcription polymerase chain reaction (PCR) test at makumpleto ang required quarantine period.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?