88

Feb 16, 2020 @ 18:45
By

Mga transgender dinadampot sa Makati, CHR pumalag

Nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa pangdadampot ng Makati police sa mga gumagalang transgender women na umano’y dinala sa presinto.

Ito ay matapos maispatan ng mga taga-CHR na mayroong isang miyembro ng Makati police na nanghuli ng isang transgender woman at dinala sa kanilang police station.

Nang tanungin ang pulis ay sinabing sumusunod lamang siya sa utos ng kanyang nakatataas na umano’y kailangang i-“profile” ang lahat ng makikitang transgender women.

Paliwanag ng CHR na kailangang maimbestigahan ang ginagawa ng Makati Police na kung saan at nababahala na rin ang kagawaran sa nabistong Facebook page na Scads Makati na gumagamit ng logo ng Makati police na base sa naka-post noong January 23 na nagsasagawa sila ng “Oplan X-men at Burgos, Poblacion, Makati City…through combined efforts of Station Operations, Women’s Desk, Station Intelligence and Station and Drug Enforcement Unit, 9:00 PM, January 22, 2020.”

Nakasaad pa sa post na mayroong 67 katao na naimbitahan na sa Makati City Police Station para sa tinatawag na ‘profiling’ at pinakawalan din bandang alas-2:00 ng madaling-araw matapos ang kanilang umano’y profiling.

Ang kanila umanong operation ay isang intensified operation na sumasagip sa mga ‘ladyboy’ mula sa eksplostasyon at human trafficking na kumakalat sa kilalang lugar sa Makati.

“An intensified operation that aims to rescue ladyboys from exploitation and human trafficking in ill repute areas.”

Nagpaalala pa ang komisyon sa ang mga umaarestong pulis na hindi dapat na basta – basta na lang mang-aresto base sa utos at kailangan nilang sumunod sa ipinatutupad na guidelines ng kapulisan kundi ay malalagay sila sa alanganin.

“While we recognize that there may be incidences when inviting individuals to a police station falls within the ambit of legitimate police duty, the public should, nevertheless, be cautious in agreeing to such request as it may be used to effect a warrantless arrest,” ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, CHR spokesperson.

“This recent incident further highlights the violence and harassment experienced everyday by the LGBTQI community because of their sexual orientation and gender identity and stresses the need to pass the SOGIE Equality Bill to bar and penalize all forms of discrimination against anyone, even including those who identify as straight,” Dagdag pa nito.

Nabatid na sa proposed SOGIE Equality Bill lists ay mayroong nakalagay na discriminatory practices on the basis of gender expression and identity, na tulad ng hindi paglalantad sa publiko, nasa military o health services, kabilang pa ang sexual orientation para sa kanilang trabaho, refusing admission o application sa educational, professional or training institution, at disciplinary sanctions, ang nakapaloob dito.

Una nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ika-classify ang bill bilang urgent na kung saan ito ay bill laban sa diskriminasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?