74

By

Mga torchbearer, flagbearer sa SEAG, bigatin!

Mga bigating Filipino athletes ang mga mangunguna sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa darating na Nobyembre 30.

Bibida para sa mga torchbearer sina eight-division world champion at boxing icon Manny Pacquiao at gold medalist sa 2019 Women’s World Boxing Championships Nesthy Petecio.

Eeksena naman bilang mga flagbearer sina pole vaulter EJ Obiena (unang Pinoy na nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympic Games), boxer Eumir Felix Marcial (silver medalist sa 2019 Men’s World Boxing Championships).

Makakasama rin bilang flagbearer sina skateboarder Margielyn Didal (gold medalist sa 2018 Asian Games), jiu-jitsu fighter Meggie Ochoa (gold medalist at 2018 World Jiu-Jitsu Championships) at judo fighter Kiyomi Watanabe (silver medalist sa 2018 Asian Games).

Samantala, umatras naman bilang torchbearer si gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz bilang flagbearer upang makapaghanda para sa kanilang mga laban sa biennial event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?