33

By

Mga Tinder user naglaway kay Brad Pitt

Biglang dumami ang mga gumamit ng Tinder sa isang banggit lang ng pangalan ng app ng Hollywood actor na si Brad Pitt.

Sa Screen Actors Guild Awards noong Enero 19 ay sinabi ni Brad na idadagdag na niya ang nasabing nakuhang award sa kanyang Tinder profile.

“I gotta add this to my Tinder profile,” ayon kay Pitt.

Kaagad naman itong sinundan ng pagtaas ng bilang ng gumagamit ng app para mahanap si Brad Pitt dito.

“Did you know that Tinder subscriptions went up like crazy because of you?” tanong ng reporter ng Extra.

“I’m not on it,” paliwanag ni Pitt. “I’m not even really sure how it all works. It just sounded funny to me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?