82

By

Mga tauhan ng BJMP, lingguhan ang paglilinis sa Manila Bay

Magiging lingguhan na ang pagbisita at paglilinis ng mga taga-Bureau of Jail Management & Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) sa Manila Bay bilang pakikiisa sa programa ng administrasyong Duterte sa pagsasaayos nito.

Isang makabuluhang araw para sa pamunuan ng BJMP-NCR sa ilalim ng pamumuno ni Jail Chief Supt. Ignacio Panti matapos ang mahigit tatlong oras na paglilinis sa Manila Bay noong Marso 10, 2019.

Naging kalahok na rin ang BJMP-NCR sa isinagawang Battle for Manila Bay noong Pebrero 16 nitong taon at sa isinagawang kick-off ceremony para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kasabay nito hinikayat ni Panti ang lahat ng nasasakupan nito na gawing bukal sa kalooban ang pakikiisa sa paglinis ng Manila Bay dahil ito ay isang napakarangal na gawain kung saan mga mamamayan at ang mga susunod na henerasyon ang makikinabang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?