119
Mga tagasuporta ni Bato pumalag sa mga basher
By

Mga tagasuporta ni Bato pumalag sa mga basher

Agad rumescue ang mga supporter ni senatorial bet Ronald “Bato” Dela Rosa matapos tuligsahin ang kanilang pambato nang aminin na walang alam sa paggawa ng batas at handang sumailalim sa seminar.

Anila, si dating Pangulong Corazon Aquino umano ay plain housewife lang noon nang maging Punong Ehekutibo.

“Some people make fun of Bato when he honestly admit that he did not know how to make laws and willing to take seminars to learn. The same people who adored Cory Aquino who took the highest political position in the country her qualification – housewife,” sabi ng netizen na si @PMCampugan.

“People bash Ronald ‘Bato’ Dela Rosa for running the Senatorial race despite not knowing how to be one or the responsibilities of one. But adored Cory Aquino when she took the highest position in the Nation when she literally had no valid qualifications or any prior experience,” saad naman ni Twitter user @kylledumlao.

Matatandaang sa panayam sa CNN Philippines, inamin ni Dela Rosa na “clueless” siya sa paggawa ng batas na siyang trabaho ng mga senador.

“Ewan ko kung meron bang seminar diyan, or ano bang training diyan para matutuhan ko kung paano gawin ‘yung batas, kung paano gawin ‘yung trabaho sa Senado. Kung merong ganon I’ll take that opportunity para matuto ako,” wika ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?