365

By

Mga SUC naetsapwera sa BARMM – Tolentino

Mag doble kayod kayo! – Ito ang panawagan ni Senador Francis “Tol” Tolentino sa Commission on Higher Education (CHED) sa pag-bibigay ng kanilang suporta at tulong sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region (BARMM).

Ayon sa senador , kailangan iangat ang kalidad ng edukasyon ng paaralan nang sa gayon ay makahikayat ang mga ito ng mas maraming estudyante.

“Nakalimutan na ang SUCs sa BARMM. We should be more proactive in addressing their needs, even before they come to you for help,” sabi Tolentino sa CHED sa kasagsagan ng Senate budget hearing ng komisyon para sa taong 2020.

Aabot sa limang state universities and colleges ang pasok sa ilalim ng BARMM, lahat ito ay kulang na kulang ang suportang natatanggap, ayon mismo kay CHED Commissioner Prospero E. De Vera III.

Aminado rin ang mga opisyal ng CHED na patuloy na bumabagsak ang bilang ng mga enrollee sa BARMM dahil mas pinipili ng mga ito na mag aral sa mga unibersidad sa karatig na lugar.

Kaya naman tanong ni pa ni Tolentino sa CHED, “Bakit kailangan pa pumunta ng isang estudyante sa Zamboanga o Pagadian, para mag-aral kung mayroon namang State Universities and Colleges sa lugar nila? Siguro dahil na rin sa kalidad ng edukasyon, ano ho sa palagay ninyo?”.

“Katatag pa lamang nitong BARMM, dapat sabayan din natin sa pamamagitan ng pagbibigay din ng magandang kalidad ng edukasyon sa mga lugar na sakop nito” dagdag pa ng mambabatas.

Kasabay nito nanawagan naman ang mga kinatawan mula sa mga SUC ng BARMM sa gobyerno ng dagdag ayuda, lalo na sa kanilang pondo.

Halimbawa na rito ang Sulu State University na dalawang taon nang walang walang natatanggap na pondo para sa kanilang capital outlay at inaasahan na sa susunod na taon eh ganito rin umano ang kanilang magiging sitwasyon.

Dagdag pa nila, kung may dagdag ayuda mula sa gobyerno, mas maraming estudyante umano ang tiyak na mag aaral sa mga SUCs sa BARMM.

TIniyak naman Tolentino na masasagot na ang hiling ng mga ito, lalo pa’t inatasan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga grupo na tututok sa pagpapalakas ng BARMM, na isama ang CHED sa kanilang mga plano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?