84

By

Mga spotted vape user huli pero ‘di kulong – PNP

Bagama’t aarestuhin ng mga pulis, hindi naman ikukulong o kakasuhan ang mga mamamayang mahuhuling gumagamit ng vape o e-cigarette sa pampublikong lugar.

Ayon kasi kay Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Pol.Lt. Gen. Archie Gamboa, kailangan pa ng executive order para maparusahan ang lalabag sa EO 26 o smoking ban.

Kanina, nilinaw ni Gamboa ang nilabas na memorandum kaugnay sa panghuhuli sa mga gumagamit ng vape o e-cigarette.

“We can arrest but we cannot punish, arrest is not punishment; pagkatapos hulihin ay ibo-blotter sa istasyon ng pulisya ang mahuhuling vape user at pagkatapos ay pakakawalan na ito,” paliwanag ni Gamboa.

“If you include vape in that executive order, it’s actually an expansion of the definition of smoking. Kaya nga sabi ko, pwedeng i-implement agad because it’s an expansion of the definition of smoking,” saad pa ng opisyal.

Kahapon, naglabas ng memorandum si Gamboa na nagdeklara sa lahat ng kampo ng pulisya na “no vape zone.”

Inutusan din nito ang Criminal Investigation and Detection Group, mga regional director at police regional office na arestuhin ang sinumang gumagamit ng vape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?