35

Mar 14, 2020 @ 18:36
By

Mga sinehan sa Vista Mall isasara sa Marso 15

Pansamantalang isasara ang mga Vista Mall cinema simula Marso 15 para sa disinfection laban sa coronavirus disease.

Sa inilabas na pahayag ng mall, suspendido ang operasyon ng Vista cinemas ng dalawang linggo simula Marso 15.

“During our two-week closure, we will take this time to further sanitize our cinemas, to ensure a virus-free environment when we resume operations,” sabi sa statement.

Magpapatupad din ang Vista Mall ng two-seat-apart scheme bilang bahagi ng kanilang social distancing measure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?