244
ABANTE bishop ruperto santos cbcp mary jane veloso
By

Mga simbahan sa Balanga,’di maniningil para sa patay

Isa na namang Katolikong obispo ang nagpasya na alisin na ang ipinapataw na singil sa mga sakramento at iba pang serbisyo sa kanilang mga nasasakupang simbahan.

Ito ay sa katauhan ni Balanga Bishop Ruperto Santos na nag-utos na alisin ang bayarin para sa mga funeral mass at blessing sa kanilang diocese.

Sa circular na inisyu ni Bishop Santos, layunin nito na maipakita ang pakikidalamhati ng simbahan sa pamilya ng pumanaw.

“Financial obligations from the perspective of the Church are not of prime importance and must not be a burden to them,” saad ni Santos sa kanyang circular.

Hindi raw dapat na inoobliga ng mga pari ang pagkolekta ng bayarin kahit sa mga misa sa mga funeral parlor at memorial chapel.

“We should not obliged them either for the arancel, but we can be open for their free will to give or donate for the Church,” dagdag ng obispo.

Ang kautusan ay sisimulan umanong maipatupad sa April 21, Easter Sunday.

Noong 2015, nauna nang binuwag ni Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan sistema ng paniningil ng fixed rates para sa mga sakramento ng kanyang archdiocese.

Sa halip, ipinairal niya ang ‘Pananabangan’ na ang ibig sabihin ay tatanggapin ng mga parokya kung ano ang kayang maiabot ng kanilang mga parokyano.

Noong 2016 naman, ipinatigil ni Villegas ang pagpapataw ng fixed rates sa pag-iisyu ng canonical certificates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?