62

By

Mga sikat na pagkain sa Metro Manila, nasa mobile app na!

Para mai-promote ang food tourism sa National Capital Region, naglunsad ang Department of Tourism ng bagong mobile application tampok ang mga iconic dish sa Metro Manila.

Available ang app na “MyMetroManila” sa Google Play Store.

Magsisilbi itong guide hindi lang sa mga kilalang establisyimento na nasa Metro Manila kundi maging sa mga maliliit na stall at bahay na ginawang restaurant na hindi masyadong batid ng mga tao.

Ani DOT-NCR Director Woodrow Maquiling, malaking tulong ito sa mga turista dahil dati ay kailangan pa ng brochure para mamili ng kakainan.

Kabilang sa mga pagkain na nasa Metro Yummy Picks category ang Inutak ng Taguig City, na isang rice pudding na nilagyan ng ube sa ibabaw at niluto sa pamamagitan ng uling.

Tampok din dito ang Kalderetang Itik ng Pateros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?