249

By

Mga showbiz personality na namayapa nitong 2018

Naging malungkot para sa industriya ng showbiz ang nagdaang taon, hindi lamang sa locally kundi pati sa Hollywood.

Mga personalidad na nagpangiti, nagbigay-kulay at inidolo ng masa pagdating sa larangan ng pag-entertain sa madla.

Ito ang ilan sa mga pumanaw na celebrity noong nagdaang taon.

Rico J Puno

Si Rico J. Puno ay isa sa itinuturing na alamat sa pag-awit. Kanyang pinasikat ang mga kantang “May Bukas Pa’, ‘Magkasuyo Buong Gabi’ at ‘Sorry Na Pwede Ba’.

Siya’y namayapa noong Oktubre 30 dahil sa heart ailment.

Bernardo Bernardo

Si Bernardo Bernardo ay beteranong aktor na nakilala sa pagganap bilang Steve Carpio sa sitcom ng ‘King of Philippine Comedy’ na si Dolphy.

Siya’y namayapa sa edad na 73 na posibleng dahil sa tumor sa pancrea.

Spanky Manikan

Isang theater actor na matagumpay na nakatawid sa TV at big screen, si Manikan ay isa sa mga character actor na madalas makasama sa mga serye dahil sa angking husay sa pag-arte.

Namayapa ito sa edad na 75 sa pakikipaglaban sa lung cancer

Mario J Delos Reyes

Biglaan ang pagpanaw ng batikan na direktor matapos dumanas ng heart attack noong Enero.

Ilan sa mga akdang likha ni Mario ay ang ‘Magnifico’, ‘A Love Story’ at ‘Naglalayag’.

Melly Tagasa

Kilala bilang Miss Tapia ng ‘Iskul Bukol’ ng trio na Tito, Vic and Joey, si Tagasa ay naging writer at producer matapos gampanan ang iconic role.

Pumanaw ito sa edad na 82 dahil sa stroke.

Nonong ‘Bangky’ de Andres

Si Bangky ay madalas makita sa mga pelikulang horror-comedy dahil sa kagalingan nito sa pag-portray bilang ‘bangkay’.

Mas lalo pang nakilala sa hit TV series na ‘Forevermore’ ng LizQuen, si de Andres ay pumanaw sa edad na 71.

Rene Garcia

Si Rene Garcia ay miyembro ng sikat na ’70s band na Hotdog.

Pinasikat nila ang mga kanta tulad ng “Manila,” “Bongga Ka Day”, “Pers Lab” at “Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko”.

Stan Lee

Walang makapapantay sa naiambag ni Lee pagdating sa comics. Ang writer ang lumikha sa mga karakter tulad nina Spider-man, Iron Man, The Hulk at Fantastic Four.

Siya’y namayapa noong Nobyembre sa edad na 95.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?