30
abante-tnt-vismin-instagram
By

Mga shopper pwede nang mag-checkout sa Instagram

May bagong app ang Instagram para sa milyon-milyon nitong users na mahilig sa online shopping.

Kapag may nagustuhan umano ang mga user na produkto sa Instagram, maaari na nila itong direktang bilhin sa halip na lalabas pa ng Instagram para tapusin ang transaction sa retailer’s website sa pamamagitan ng checkout feature kaya mas mapapadali ang pamimili rito.

Nakipag-partner umano ang Instagram sa PayPal para sa proseso ng pagbabayad.

Bago nito ay nagsisilbi lang na third party ang Instagram pagdating sa shopping.

Ipinapakita lang nila sa mga user ang mga produkto na tinatawag na “shopping tags” pero mapupunta ang shopper sa retailer na siyang magpoproseso ng transaction.

Ang seller o nagbebenta umano ang itsa-charge dito ng Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?