55

By

Mga senador diskumpiyado sa plano ng Kamara sa Road Board Abolition bill

Aminado si Senate President Tito Sotto III na duda siya at ilan pang senador sa intensyon ng liderato ng Kamara na naggigiit na dalhin sa Bicameral Conference Committee (Bicam) ang Road Board Abolition bill.

Maaari umanong samantalahin iyon ng mga kongresista para ipitin na ang panukala dahil ayaw nilang mabuwag ang Road Board.

Puwede umano roong ipilit ng mga kongresista ang mga pagbabago sa panukala na maaari ritong magpatagal.

“That is a possibility. There is always a possibility once it is taken back. Marami na’ng puwedeng mangyari,” ani Sotto.

Ginunita ang insidente noon na may nabiting panukalang batas dahil hindi pinirmahan ng Speaker ng Kamara ang panukalang batas na aprub na ng Senado at Kamara at pirmado na ng pangulo ng Senado.

Bukod dito, sinabi ni Sotto na alangan din silang dalhin pa sa Bicam ang panukala dahil sa teknikalidad.

Inaprubahan ng Senado ang Road Board Abolition bill na nanggaling sa Kamara kaya sa Malacañang na umano iyon dapat na dalhin sa halip na sa Bicam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?