623

Apr 10, 2020 @ 10:19

Mga pro-Duterte account pinatahimik ng Twitter

Sinuspende ng mga social media platform na Twitter ang ilang daang account na gumagamit ng hashtag na nagpapakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa naging aksyon nito sa COVID-19 pandemic.

Sa report ng Washington Post, naparusahan ang mga account dahil umano sa paglabag sa spam policy ng Twotter, kabilang na dito ang pagkakapareho ng tweet sa maraming account, paggamit ng multiple account, at pag-send ng maramihang reply at mention.

Ilang mga hashtag ang nauso matapos na mag-trending ang #OustDuterte, na umangat matapos na sabihin ng Pangulo na ipapa-shoot to kill nito ang mga leftist kapag nanganib ang buhay ng militar at sundalo.

Bilang tugon ng mga supporter ng Pangulo, nagawa naman ang hashtag na #IstandWithThePresident at #OursDuterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?