195
Mga politiko sa partial narco-list, kinasuhan ng DILG
By

Mga politiko sa partial narco-list, kinasuhan ng DILG

Agad sinampahan ng kasong administratibo ang mga politikong binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa narco-list.

Inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kaso sa Office of the Ombudsman.

Ilang narco-politicians isiniwalat na ni Duterte

Kabilang sa mga kasong administratibo na haharapin ng mga nabanggit na politiko ang grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer at gross neglect of duty.

Ibinunyag ni Pangulong Duterte ang partial list ng mga narco-politician sa live coverage ng PTV-4 mula sa Davao City nitong Huwebes ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?