126

By

Mga Pinoy tulong agad sa mga motoristang apektado ng Taal Volcano eruption

Agaran ang pagtulong ng mga Pilipino sa Cavite at Tagaytay sa mga motorista na napuno ng abo ang mga sasakyan dahil sa pagsabog ng Taal Volcano.

Napabilib si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa dalawang residente malapit sa Amadeo at Tagaytay na binubuhusan ng tubig ang mga windshield ng sasakyan na maabo.

“This is what being Filipino/Filipina is all about,” ayon kay Leonen sa video.

Sa Facebook post naman ni Aren Venice Ambojia ay gumamit sila ng hose para matanggal din ang abo sa mga sasakyan na galing Tagaytay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?