42

Mar 30, 2020 @ 23:05
By

Mga Pinoy nurse pumupunta sa bansang nagpapahalaga sa kanila – Locsin

Sinagot ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddyboy’ Locsin Jr. ang panawagan ng isang kongresista hinggil sa pagpapatigil nito sa pagpapadala ng mga Pilipinong nurse sa abroad.

Ayon sa kalihim, hindi tayo nagpapadala ng nurse sa ibang bansa, hindi rin umano matatawag na ‘atin’ ang mga nurse dahil kailanman ay hindi sila natulungan.

“We do not SEND our nurses abroad. Our nurses are not ours. We especially we fucking public officials do not deserve to call them ours. We never helped them. They have had to flee our FUCKING Country for lands that value them,” tweet ni Locsin.

Nag-ugat ang komento ni Locsin sa pahayag ni Cagayan de Oro 2nd district Rufus Rodriguez na hinihikayat si Labor Secretary Silvestre Bello III na isuspinde muna ang papadala ng mga nurse sa ibang bansa.

“We need our healthcare personnel here at this time of public health emergency to attend to sick Filipinos, and not to foreigners,” sabi ni Rodriguez.

Dagdag niya, nahaharap sa maraming kaso ng coronavirus disease ang bansa at maraming pampubliko at pribadong ospital ang nagrereklamo na sa kakulangan ng mga empleyado.

Ito umano ang rason bakit naghahanap ng mga volunteer doctor at nurse ang Department of Health.

“We need those nurses bound for Germany and other jobs overseas to augment our dwindling public health workforce,” sabi pa ni Rodriguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?