13

By

Mga Pinoy mas bet ang matalino kaysa borta – SWS

Mas matimbang ang mga matatalino kaysa sa mga ma-muscle sa mga Pinoy.

Sa poll na nilabas ng Social Weather Stations, 81-percent sa 1,200 Pinoy ang mas gusto ang dyowang matalino kaysa maganda o pogi.

Saad pa, 18-percent na mas mataas ang mas gusto ang talino ng isang tao kaysa sa magandang katawan.

“This is similar to December 2002, when 81% said they prefer brains over body and 18% said they prefer body over brains,” ayon sa resulta ng SWS.

Bukod pa rito, nakita sa survey na mas matimbang sa mga babae ang mas matalino kaysa sa borta.

Mataas ang matatalino sa mga babaeng may ka-live-in partner (89%), sumunod ay mga single (82%) at mga kasal na (81%).

Samantala, sa tanong na kung anong mas matimbang, kalusugan, pera o pag-ibig, nanguna ang kalusugan sa 70-percent, 23-percent ay pag-ibig habang seven percent lang ang pipili sa pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?