246

By

Mga Pinoy kampi kay Tsukii: Turkish karatedo coach sibakin!

Binanatan sa social media ang Turkish coach ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. na si Okay Arpa matapos ibunyag ng 30th Southeast Asian Games gold medalist Juuna Tsukii ang ginawa nitong pang-aalipusta sa kanya.

Lahad ni Tsukii, kaya siya dinededma ng coach ay dahil hindi umano siya pinayagan nitong pumunta sa Europa para sa World Karate Federation Premier League, na magpapalaki ng kanyang tsansa para makapasok sa Olympics.

“He didn’t allow me to go to Madrid. He said, the Federation, the (Philippine Sports Commission) said so,” ayon sa Fil-Japanese, at nang tanungin niya ang federation ukol dito ay pinayagan naman siyang sumali sa nasabing event.

Pagbalik niya umano sa Pilipinas ay hindi na umano siya pinapansin ni Arpa, at sinabihan pang makasarili siya gayong lahat ng kanyang napapalanunan ay binubuhos ng atleta sa kanyang training.

Hindi rin umano siya makapagsalita sa kanyang mga teammate dahil natatakot si Tsukii na baka pag-initan din ang mga ito ng kanilang coach.
“He might attack the others that’s why I kept quiet,” ayon sa -50kg kumite gold medalist.

Dahil dito’y bumuhos ang simpatya para kay Tsukii, sa Twitter ay maraming humiling na imbestigasyon at sibakin ang coach na nang-bully sa Pinay athlete.

“REMOVE THE COACH!!! do not mind him Ms. Tsukii. we, your kababayans are behind you. Congratulations,” ayon kay @jinglebellxmas.

“We have to choose between the coach and the winner! We chose Tsukii so thr coach must resign!” giit naman ni @FourStardust.

“That f***** coach may have bullied you Junna Tsukii, but the millions of Filipinos are all proud of you. Put your head up high,” pagsuporta naman ni @EldieDavid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?