85

Oct 7, 2019 @ 18:50
By

Mga Pinoy, dayuhang nakatira sa ‘Pinas oobligahin sa Phil ID

Sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kukunin ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang blank cards na gagamitin para sa Philippine Identification System ID.

Pinirmahan ng BSP at PSA ang kasunduan para sa suplay ng blank cards na gagamitin para sa Phil ID.

Ayon sa BSP, 116 milyong cards ang gagawin nito para sa PSA sa loob ng tatlong taon.

Sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, malaki ang maitutulong ng Phil ID dahil ito ang magsisilbing proof of identity na kailangan para sa mga nais magkatransaksyon sa bangko.

“With the Philippine ID, it will be easier for unbanked Filipinos to open bank accounts and avail financial services — a win for our financial inclusion agenda,” sabi ni Diokno.

Ioobliga lahat ng Pilipino na kumuha ng Phil ID pati na mga dayuhan na sa Pilipinas na naninirahan.

Inumpisahan na ng PSA ang pilot test registration nitong Setyembre sa ilang mga tao sa National Capital Region partikular na sa mga empleyado nito at ng National Economic and Development Authority at mga beneficiaries ng DSWD.

Plano ng PSA na buksan ang registration para sa Phil ID sa lahat sa Hulyo 2020 at makumpleto ang registration ng lahat pagdating ng 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?