107
Mga PBA player dapat artistahin
By

Mga PBA player dapat artistahin

Kung dati ay sa paglalaro lang ang pokus ng mga manlalaro sa PBA, ngayon ay dapat nang magmistulang artista ang mga player dahil sa pagbabago sa landscape ng liga.

Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang halos isang dekada, nagkaroon ng orientation program ang PBA para sa kanilang mga manlalaro nitong Biyernes sa Meralco Theater.

Sa tatlong oras na event, pinag-usapan ang iba’t ibang uri ng topic na makakatulong sa mga manlalaro lalo’t sila’y kinukusidera nang public figure. Ilan sa mga naging paksa ay ang kalinisan sa katawan, social media at mental health.

Bawat isang manlalaro sa 12 koponan ay kinailangang makilahok sa nasabing orientation, at paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, ang nasabing programa ay para maging magandang ehemplo ang parte ng PBA organization sa kabataan.

“Nag-evolve na kasi ang landscape ng PBA,” ayon kay Marcial. “Malaking bagay kasi kilala na sila (players), tapos ginagawa silang role model ng mga kabataan. So kailangan ingatan mo na rin paano ka kikilos sa mata ng tao.”

Nakatuwang ng PBA sina FWD Head of Marketing Roch Vanderberghe para maging speaker kaugnay ng investment, samantalang ang misis ng Ginebra guard na si Chesca Bugia-Tenorio ay ibinahagi ang kaalaman sa financial literacy.

Para naman sa good grooming nagbigay ng suhestiyon sina Regi Cruz at Juan Banal, samantalang ang batikang sports broadcaster naman na si Sev Sarmenta ang nagturo ukol sa pagtrato ng mga manlalaro sa media.

Si Maggie Cortez naman ang naguna para ipaliwanag ang kahalagahan ng social media sa mga PBA player.

“Makakatulong sila sa liga kasi marami silang followers sa social media,” ani pa ng PBA commissioner. “Malaking advantage kapag natutunan din nila i-promote yung liga sa social media.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?