89
DA umalma: Mga baboy hindi nililibing nang buhay!
By

Mga patay na baboy, naispatan sa ilog sa QC

Pinaimbestigahan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang natagpuang mga patay na baboy sa ilog sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay QC Veterinarian Dra. Ana Maria Cabel, kumuha na umano ng ‘blood sample’ ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) sa natagpuang mga patay na baboy at hihintayin nila kung ang mga ito ay posigtibo sa African swine fever o ASF.

Aniya, kung magiging positibo umano sa ASF ang mga natagpuang patay na baboy kanilang ipag-uutos na patayin at agad na ipalibing ang mga baboy sa mga ‘piggery’ sa nasabing barangay upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit sa buong lungsod.

Una dito ay umalingasaw umano ang masansang na amo sa mga residente sa nabanggit na barangay at nang kanilang hanapin ang pinagmumulan nito ay doon nila nakita ang mga patay na baboy sa ilog sa Brgy. Silangan.

Dahil sa takot ay agad na inireport ng mga residente sa kanilang barangay ang mga natagpuang mga patay na baboy, kaya agad namang ipinagbigay-alam ng mga opisyal sa kanilang pamahalaang lokal.

Sinabi ni Jhie Nicolas Bolano, brgy. officer, may mga listahan na rin umano sila ng mga may piggery sa kanilang lugar at kanila na iniimbestigahan kung saan at sino ang nagtapon ng mga nagtapon ng mga patay na baboy sa nasabing creek.

Magugunitang una nang binigyan ng grace period ng anim na buwan ang mga may-ari ng mga backyard piggery na ibenta na ang kanilang mga baboy o ‘di kaya ay ilayo ang mga ito sa lungsod.

“Para ma-prevent natin yung transmission ng sakit ng baboy na meron sa Rizal. Ang pagkakaalam po kasi namin diyan, nag-emanate sa mga backyard piggeries. Pangalawang kunsiderasyon namin, talaga pong bawal. Kasi ang Quezon City po ay highly urbanized city. Ang mga piggeries po, pang-rural area lang po yan,” paliwanag ni Cabel.

“Na-overlook namin yung iba. Kasi nga bawal so hindi namin napansin na dumami na pala sila. Pangalawa, kasi naging, binigay na hanapbuhay noon nung nakaraang presidente natin yan, pagbibigay ng baboy,” dagdag pa ng QC veterinarian.

Nabatid na bagamat walang agricultural zone ang lungsod ay may mga backyard piggeries naman sa Barangays Bagong Silangan, Payatas, Greater Fairview, North Fairview, Tatalon, aty Pansol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?