169

By

Mga parokyano ng motel sa South Korea, pasikretong nila-livestream online

Nasa 1,600 katao ang naging biktima ng pangbi-video sa loob ng mga motel sa South Korea.

Ang mga kuha umano rito ay nila-livestream online para sa kustomer na handang magbayad para makapanood ng live na pagtatalik.

Dalawang lalaki ang naaresto sa sumambulat na eskandalo na kinasasangkutan ng 42 kuwarto sa 30 motel sa iba’t ibang siyudad ng South Korea.

Itinatago ang mga camera sa loob ng digital TV boxes, wall sockets at hairdryer holders.

Ang site na nagpapalabas ng mga kuha sa loob ng motel ay mayroong 4,000 na mga miyembro na nagbabayad ng $44.95 monthly fee para maka-access.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?