87

Jun 21, 2020 @ 9:53

Mga OFW sa Saudi na namulot ng pagkain sa basurahan, drama lang

Kinailangan pa ng dramatic performance para makakuha ng atensiyon ang ilang overseas Filipino worker, ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto.

Dismayado ang opisyal sa viral video ng pamumulot ng pagkain sa mga basurahan ng ilang OFW, at giniit na nagbigay naman ng tulong ang gobyerno para may makain ang mga Pinoy doon.

“If reports reaching me are true, I’m disappointed with some of our people who have resorted to theatrics to catch attention. Fact is food assistance was given. Mamulot ng basura? C’mon!,” wika ni Alonto sa Twitter.

“The fact is food assistance was given. [Repatriation] is the goal. Well, exit visas need to be granted and more flights needed. That’s the truth. We are on it. Sana walang drama,” aniya pa.

Una nang sinabi ng ilang Riyadh OFW, sa panayam sa ABS-CBN News, na hindi sapat ang natanggap nilang food packs mula sa Philippine Overseas Labor Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?