44

Sep 24, 2019 @ 12:55
By

Mga OFW proteksyunan vs cryptocurrency scam – Tolentino

Ayon kay Senador Francis Tolentino, dapat palawigin pa ang pag-aaral kaugnay sa paggamit ng cryptocurrencies at iba pang digital currencies para maproteksyunan ang publiko mula sa mga scam, partikular ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa resolusyong inihain ni Tolentino, hiniling nito sa Senado na magsagawa ng pagdinig sa kasalukuyang ipinatutupad na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa cryptocurrencies at iba pang virtual currencies sa bansa.

“There are benefits to allowing the use of these currencies in the country as they provide Filipinos access to the global market, banking services to underserved citizens, and ease in making cheaper remittances to and from abroad for international corporations as well as from overseas Filipinos” sabi ni Tolentino.

Pero kasabay ng mga benepisyo na maaring makuha mula sa pag-gamit ng virtual currencies, sinabi ni Tolentino na may posibilidad na mas maging talamak ang mga on-line scam.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagdami ng mga OFW na gumagamit ng cryptocurrency para sa kanilang remittances at iba pang investments, kaya naman nanawagan si Tolentino na dapat isama ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa “cryptocurrency government task force” para ma-proteksyunan ang mga OFWs.

“Bakit hindi natin isama ang DOLE? Two to three million dollars monthly ang pinapadala nang ating mga kababayang OFW gamit ang cryptocurrency noong 2017,” ani Tolentino.

“Mahirap na kung ma-scam sila at mawala nila ang lahat ng kanilang pinaghihirapan,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?