39

Feb 20, 2020 @ 16:51
By

Mga nurse nganga pa rin sa dagdag sahod, DBM kinalampag

Naghihintay pa rin hanggang ngayon ng umento sa kanilang sahod ang mga government nurse dahilan upang kalampagin ng isang kongresista ang Department of Budget and Management (DBM).

Giit ni House Deputy Speaker Mikee Romero, ngayong umatake ang novel coronavirus (nCoV) ay panahon na upang ibigay ang umento sa mga nurse na siyang pangunahing nangangalaga sa mga infected patients,

“It is important that we now finally adjust the compensation for nurses in hospitals run by the national government in the wake of thenovel coronavirus (nCoV) menace. Our nurses play a vital role in attending to infected patients and preventing the spread of the deadly virus,” ayon kay Romero,

Taong 2002 nang maisabatas ang Philippine Nursing Act ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin hinihintay ng mga ito ang kanilang mga benepisyong nakapaloob sa batas.

“Let us now end that long wait by giving them what the law has entitled them to almost two decades back. The Supreme Court has upheld the law and Congress has provided the necessary funds for the higher salary of nurses,” dagdag ni Romero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?