155

Apr 2, 2020 @ 14:21

Mga netizen suportado si Robredo: Kompetisyon ba ang pagtulong sa mga Pinoy?

Nawindang ang taumbayan nang malamang pinaiimbestigahan sa National Bureau of Investigation ang mga hakbang ni Vice President Leni Robredo na “nakikipagkumpitensya sa” o “tinantiyang magpapahina” sa mga aksiyon ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Kinukuwestiyon ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna ang libreng shuttle service, dorm para sa mga health worker, at donasyon ng mga PPE ng Office of the Vice President.

Wika niya, hindi dapat sinasapawan ni Robredo ang DOH, DSWD, at NDRRMC sa gitna ng krisis sa coronavirus.

Dahil dito, pinaulanan ng mura ng mga netizen ang PACC at gobyernong Duterte.

Binanggit din ng iba ang pagpapatawag kahapon ng NBI kay Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa diumano’y paglabag ng huli sa polisiya ng gobyerno na nakasaad sa “Bayanihan to Heal As One Act.” Kaugnay ito sa pag-operate ng mga tricycle sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?