107

By

Mga netizen nagkaisa para sa #TALAparasaTAAL

Nanawagan sa lahat ang mga netizen para sumali sa #TALAparasaTAAL na dedicated sa mga Batangueño na lubos na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Magaganap ang “Tala para sa Taal” Dance Flash Mob for a cause sa Luneta Park ng Sabado, January 18 ng ala-una ng hapon.

P100 ang registration fee para rito na ido-donate sa mga Taal victim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?