223

By

Mga netizen nagbunyi sa pagkabuntais ni Anne Curtis!

Dalawang taong naghintay ang mga fan nina Anne Curtis at Erwan Heusaff para magkaroon ng baby ang dalawa.

Sa post ng online influencer na si Erwan sa Facebook, may caption itong “5/9 Anne” na posibleng patungkol na nasa ikalimang buwan na nang pagdadalang-tao ang kanyang maybahay.

Makikita rin ang baby bump ng Kapamilya actress sa nasabing video, may isang eksena pa kung saan nakahawak siya sa kanyang tiyan.

Sa Instagram account ni Anne ay pinost din nito ang kaparehong video, kung saan may patikim itong iaanunsyo sa mga susunod na araw.

“I think you should know something… Another reason to love November.. @erwan,” ayon sa post nito.

Sa social media ay bumuhos ang congratulations sa mag-couple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?