10,440
manny-pacman-pacquiao

Mga netizen kay Pacquiao: Magtrabaho ka sa Senado!

Tila napahamak pa si Senador Manny Pacquiao dahil sa naging Twitter post nito na kinaasar ng mga netizen.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Pacquiao na dapat i-prioritize ang mga bagay na kailangan kada araw at piliin ang mga paglalaanan ng oras.

“Prioritize what is important each day of your life. You have time for what you choose to have time for. #valuetime,” ayon kay Pac-Man.

Dahil dito, nainis ang mga netizen dahil tingin nila ay hindi pinapahalagahan ni Pacquiao ang kanyang trabaho sa Senado at mas pinipiling pagkaabalahan ang ibang bagay.

“does your priorities include being an actual senator of the country tho? aight im out,” sey ni @hawypotter.

“Naku Mane! Ayan ka nanaman. But you fail in prioritizing your job as senator. If you value boxing more you shouldn’t have run for the senate. Our taxes pay your salary so use it to do your job,” ayon naman kay @gapolicarpio.

“Sir, ano po mas priority niyo? Pagboboksing o magtrabaho sa senado? Isa lang po ang pipiliin niyo po ha. Di po pwedeng may sidline na career ha. Thanks po,” tanong naman ni @markcruze999.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?