2,908

Feb 21, 2020 @ 14:26
By

Mga netizen kay Mommy Divine: ‘Wag nang gatasan si Sarah!

Sumabog ang Twitter world matapos ang balitang nanapak ng bodyguard si Matteo Guidicelli sa mismong kasalan nila ni Sarah Geronimo.

Ito’y matapos umanong dumating si Mommy Divine, mother ni Sarah, sa venue ng kanilang wedding sa Bonifacio Global City, Taguig, na kinaimbyerna ni Matteo.

At nang malaman ni Matteo na ang close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara ang nagsumbong kay Mommy Divine ay sinapak umano ito ng artista sa lalamunan, base sa report ng Taguig police.

Taking sides na ngayon ang mga netizen, may mga sinasabing super violent ni Matteo, habang ang iba naman ay tingin ay sobrang OA na si Mommy Divine.

Sey ng ilang netizen, 31 na si Sarah G kaya dapat lang ay pabayaan na sa kanyang desisyon sa buhay. Isa pa ay 2014 pa ang relasyon nila ni Matteo kaya’t wedding bells na lang talaga ang kulang sa couple.

Mayroon pang mga netizen na pinapatamaan ang mama ni Sarah, sey nila ay dapat na hayaan na nito ang anak dahil naging binigyan naman sila ng popstar ng magandang buhay.

“Parang ginawang “Investment” si Sarah G. ni Mommy Divine ah?” tanong ni @madamtia8720.

“Dear Mommy Divine, Let her go. She deserves all the happiness in the world for being a good daughter and good provider for your whole family. Huwag kang maging madamot sa anak mo dahil hindi siya naging madamot sa family niyo,” giit naman ni @coldKingKong1.

“Takot si Mommy Divine mawalan ng pagkakakitaan. Pag nag asawa si Sarah wala na siyang milyones,” sambit naman ni @MissACastillo_.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?