29

By

Mga netizen bilib sa bagong McGregor

Dinurog man ang kalaban ay kakaibang Conor McGregor ang nasilayan ng mga UFC fans.

Ito’y dahil sa ipinakitang magandang asal at sportsmanship nitong Sabado ng Irishman laban kay American fighter Donald ‘Cowboy’ Cerrone.

Marami ang nanibago dahil imbes magyabang at magsisigaw, mapagpakumbaba ang pinakita ng MMA artist nang yakapin si Donald tapos ng upakan.

‘Di nagtagal ang laban dahil sa 40 segundo sa unang round ay tinapos na ni `The Notorious’ McGregor .

Mas naging madamdamin pa ang takbo sa ring nang agad umakyat ang lola ng nakasagupa ni Conor upang suportahan ang natalong apo ngunit mas naantig ang puso ng mga fans nang yakapin rin ni McGregor ang lola ni ‘Cowboy’ bilang respeto at pasasalamat sa patas na laban.

Umani naman ng pagmamahal si Conor sa mga fan mula sa social media.

@outlawedizzie: “Conor McGregor is a changed man now… He gave his opponent a hug and a kiss after bodying him in 40 seconds lol”

“We’re in for a treat. We are entering the era of a motivated Conor McGregor. When someone’s worth hundreds of millions and fights like this, that’s a scary man. But my favorite moment from today has to be Conor and Cowboy’s grandma sharing a hug#UFC246 #ConorVsCowboy,” hirit ni @TheOnlyAbhijit:

Dinagdag ni @kmurphhh13: “The ending tho warms my heart. Such growth from McGregor to hug his and care about his opponent”

@GodinaBen: “They’re both really good sports which really makes me happy as soon as Its called McGregor pep talks Cowboy and kisses him on the head after the fight they hug it out the McGregor hugs Cowboys mom. It’s just wholesome.”

Ang panalo na nakuha ng 31-anyos na fighter kontra Donald ang nagdala sa kanya ng unang UFC win mula sa 15 buwang pagkatigang at nagbigay ng ika-22-4 win-loss record kasama ang 19 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?