179

By

Mga netizen: Ba’t kinilala ng U2 si Pia Cayetano?

Ayos naman daw lahat ng mga Pilipinang pinagpugayan ng bandang U2 sa concert nitong Miyerkoles, maliban kay Senadora Pia Cayetano.

Ilan pa sa mga pinagpugayan ng Irish band sa concert nito sa Philippine Arena nitong Disyembre 11, 2019 ay sina Melchora Aquino, Corazon Aquino, Lidy Nacpil, Maria Ressa, at Lea Salonga.

‘Di rin nakaligtaan ng banda na kilalanin ang ilang women’s rights movement na GRRRL Gang Manila, One Billion Rising at Babae Ako.

Inalayan ng U2 ang mga babae sa buong mundo ng kantang “Ultraviolet (Light My Way).”

“When women in the whole world unite to rewrite history as her story that is a “Beautiful Day”,” hayag ni lead singer Bono, may pagtukoy sa kanta nilang “Beautiful Day.”

Takang-taka ang mga netizen kung bakit napabilang sa mga babaeng pinagpugayan ng U2 si Cayetano.

Dahilan ng ilan, “enabler” ang senadora ng “misogynistic” at “fascist” na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?