60

By

Mga netizen aprub sa pasiklab ni Stanley

Maganda ang debut nitong Linggo ni Stanley Pringle sa panalo ng Barangay Ginebra kontra NLEX Road Warriors 100-85 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Batangas City Coliseum.

Para sa kanyang unang laro para sa Gin Kings, nagpasabog agad si Pringle ng 16 points, walong rebounds at tatlong assists.

Ikinatuwa naman ng mga netizen sa Twitter ang naging magandang performance ni Pringle para sa Ginebra na may 4-3 win loss record.

Tweet ni Jhon Patrick Gumabay (@NegrongTisoy123), “mas lalong lumakas lineup ng Ginebra, welcome sa Never Say Die team Stanley Pringle.”

“Good job Ginebra! Welcome Stanley Pringle! I’m only seeing good things to come but I know theyll have to work hard together to get there! Thank you Jesus! What a great Sunday indeed… #NSD,” hirit naman ni Skylar Willow (@Skylar_Whil).

Iba naman ang napansin ni ‘stronger’ jujujujuls (@julianrcreyes16). “In 26 minutes so far, Stanley Pringle is +24 with 13 points, 6 rebounds, 2 assists, and 2 steals. That shows how high Pringle’s basketball IQ is considering that he just started practicing for Ginebra last Wednesday.”

Ngunit nagtaka naman si zy (@edrhisse), “lintik na stanley pringle, pag northport injured pag bgsm na mabilis pa sa hayop gumalaw”

Samantala, papuri naman ang tweet ni Kira Kyungsoo (@KiraVillaflores) “Kahit saang team for sure mag fit si Stanley Pringle. Super galing but super humble na player.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?