692

By

Mga miyembro ng media pumirma ng petisyon kontra pagsasara ng ABS-CBN

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang mamamahayag, cameraman at mga empleyado mula sa iba’t ibang media company dakong alas-sais ng gabi sa Quezon City para iprotesta ang nakaambang pagpapasara sa ABS-CBN.

Pinangunahan ni NUJP Deputy Secretary General Raymund Villanueva ang protesta.

Pinaglalaban ni Villanueva ang press freedom at hindi lang ang pagsara sa nasabing TV station.

Ayon kay Villanueva, karapatan ng mamamayan ang press freedom at may karapatan ang mga ito na malaman ang bawat impormasyon at balita na lalabas.

Naniniwala ang NUJP na ginigipit at iniipit ng Presidente ang mga mamamahayag sa Pilipinas at ang ABS-CBN.

Naniniwala ang kampo nila na karapat-dapat silang mabigyan ng demokrasya sa pag-uulat at pagbabahagi ng balita at impormasyon.

Bilang simbolo ng pagprotesta nila ay pumirma ang mga miyembro ng media sa isang petition na huwag isara ang ABS-CBN bilang sagisag ng kanilang demokrasya o ‘press freedom’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?