74

Feb 20, 2020 @ 16:31
By

Mga millennial, pinakamalungkot na henerasyon – survey

Lumabas sa pag-aaral na ang mga millennial ang “loneliest generation”.

Batay ito sa London-based international research data at analytics group.

Lumabas sa isinagawang survey ng University of Pennsylvania sa 1,254 US adults, na 30 porsiyento ng mga millennial ang madalas na makaramdam ng kalungkutan o pakiramdam na nag-iisa kumpara sa mga “Generation X” na 20% at “Baby Boomers” na 15 porsiyento.

Nadiskubre rin na nakakaapekto sa well-being ng isang tao ang social media.

Ang pagbawas daw sa paggamit ng social media ay nakakababa ng nararamdamang depresyon at loneliness.

“Here is the bottom line: Using less social media than you normally would leads to significant decreases in both depression and loneliness,” sabi ng isa sa may-akda ng pag-aaral na si Melissa Hunt sa YouGov.

Karamihan naman o 70 porsiyento ng mga millennial ang nagsabing mayroon silang at least isang best friend habang 49% ang may isa o apat na malapit na kaibigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?